Matapos ang 20 taon sa industriya at sa kanyang naging tahanan sa ABS-CBN, nagpahayag ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng kanyang pag-alis.
Sa magkakasunod na post ni Kris sa kanyang Instagram dito niya pinaliwanag ang dahilan ng kanyang pamamahinga at ito’y para umano sa ikabubuti ng kanyang kalusugan.
Matatandaan na kamakailan lang ay ipinabatid ng TV host actress ang hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan kaya dahil dito ay pinili niyang maging healthy para umano sa kanyang mga anak na si Josh at Bimby.
Nagpasalamat naman si Kris sa kanyang home network at sa lahat ng sumuporta sa dalawang dekada niya sa industriya.
Taong 1996 nang maging host si Kris ng Today with Kris Aquino, ang unang programa niya sa ABS-CBN matapos lumipat mula sa Kapuso Network.
By Jenny Valencia