Dumating na sa Davao ang mga kapamilya ni Hashtags Member Franco Hernandez .
Sinalubong ng tiyahin at kasintahan ni Franco ang kaniyang ama na si Raul Hernandez.
Pinagpaplanuhan ng mga kamag anak ni Franco kung dadalhin na ba sa Maynila ngayong araw ang labi ng binata o iki-cremate muna ito sa Davao.
Kwento ng tiyahin ni Franco na nabanggit nito noon na kapag siya ay namatay nais niyang i-cremate na lamang na gusto naman nilang tuparin.
Tumanggi naman na magpaunlak ng panayam ang pamilya ni Franco.
Nasawi si Franco matapos malunod Sabado ng hapon.