Todo iwas ang Kapamilya Stars na sina Janine Guttierez at Paulo Avelino sa mga tanong na may konek sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Na-hot seat ang mga bida ng romcom series na “Marry Me Marry You” nang muli silang humarap sa ginanap na online presscon.
Simula pa lang ng online presscon ay ang ganda-ganda na ng mga ngiti nina Janine at Paulo kaya nang tanungin na kung ano na ba talaga ang score sa pagitan nila ay halos puro smile lang din ang sagot nila.
Ayon kay paulo , si Janine lamang umano ang kanyang hinihintay ngunit hindi naman nito nilinaw kung saan at ano ito.
Titignan umano ng aktor kung hindi magiging busy ang kanilang schedule ngayong taon.
Samantala, nainggit naman ang dalawa sa kasweetan na ipinapakita nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Tila natutuwa sila dahil lagi umano magkasama ang dalawa at sweet talaga sa isat isa.
Matatandaang hiwalay na si Janine sa dating nakarelasyon na si Rayver Cruz ngunit hindi naman umano ito ang naging rason ng hiwalayan.