Ipinagdiriwang ngayong araw (Setyembre 8) ang pista ng kapanganakan ng Birheng Maria.
Kasabay nito ay dagsa na sa Baclaran Church ang mga deboto ni Mama Mary simula kaninang umaga.
Una nang pinirmahan ng Pangulong Duterte nakaraang Abril ang Republic Act 11370 (RA11370) na nagdedeklara sa Setyembre 8 bilang Special Working Holiday.
Paalala naman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa mga manggagawa, walang additional pay na matatanggap pumasok man sa trabaho ngayong araw.
Ang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary ay nasimulan sa Jerusalem, Israel noong pang 6th Century.