Idineklara ng Korte Suprema na “unconstitutional” ang Department of Justice circular na nagbabawal kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo na makalabas ng bansa.
Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ni Arroyo na kumukuwestiyon sa inisyung watchlist order laban sa kanya ni dating Secretary Leila de Lima.
Nuong October 2011, inilagay sa watchlist ang mga Arroyo matapos na tukuyin sila bilang mga respondents kasama ang 38 iba pa sa dalawang kaso ng electoral sabotage na isinampa ng DOJ, Commission on Elections at Senador Koko Pimentel.
Sa pamamagitan ng WLO ay pinipigilan ng DOJ na makalabas ng bansa ang indibidwal na may kinakaharap na kaso sa piskalya kahit walang court order.