Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Department of Justice o DOJ na magpalabas ng WLO o watchlist order.
Sa pamamagitan ng WLO ay pinipigilan ng DOJ na makalabas ng bansa ang isang indibidwal na may kaso kahit walang court order.
Gayunman, ang WLO ay pansamantalang pinigil ng High Tribunal noong 2011 nang magpalabas ito ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa naturang kapangyarihan ng DOJ .
Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ng dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na kumu-kuwestyon sa inisyung watchlist order laban sa kanya ni dating Justice Secretary Leila de Lima.