Pinag-aaralan ni Senador Richard Gordon ang posibilidad na bawasan ang kapangyarihan ng Justice Secretary.
Sa harap na rin ito ng mga kinahaharap na kontrobersiya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre tulad ng pagpapalabnaw sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Gordon, bagama’t nasa pag-aaral pa lamang sila kung maaaring tapyasan ang saklaw ng kalihim hinggil sa paggawa ng desisyon, nasa Pangulo pa rin ang kapangyarihang magtalaga rito.
Gayunman, sinabi ng Senador na kanila munang titingnan kung naaayon ba sa saligang batas ang kanilang plano bago umusad sa susunod na hakbang.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Kapangyarihan ng DOJ Sec. planong tapyasan was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882