Dapat palakasin ang kapangyarihan ng chairman ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Mungkahi ito ni dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Bert Suansing ngayo’y direktor ng Confederation of Truckers Association of the Philippines.
Ayon kay Suansing, mas maraming puwedeng gawing paraan ang MMDA Chairman para maibsan ang traffic kung palalawakin ang kanyang kapangyarihan, tulad rin ng pagbibigay ng emergency powers sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Bert Suansing
Kasabay nito, sinabi ni Suansing na tama lamang ang plano ng LTFRB na huwag isama sa number coding ang mga pampasaherong bus.
Matagal na rin anya nilang iminumungkahi ang paglalagay ng mga bus na tatakbo lamang sa EDSA at mga bus na limitado lamang sa isang lugar ang ruta.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Bert Suansing
HPG
Samantala, bubuhayin ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group ang mungkahing tanggalin sa EDSA ang mga terminal ng mga bus na biyaheng probinsiya.
Ayon kay HPG Director, Senior Supt. Antonio Gardiola Jr., malaki ang iluluwag ng daloy ng trapiko kung maililipat sa labas ng EDSA ang mga terminal ng mga provincial bus.
Maliban anya sa mga nagmamani obrang provincial bus, tumatambak rin ang mga taxi sa mga terminal ng bus na nag-aabang ng pasahero, na lalong nagpapasikip sa daloy ng trapik.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas