Umaasa si Russian President Vladimir Putin na aaprubahan ng kanilang parliamento ang kaniyang panukala na palawakin pa ang kapangyarihan ng kanilang national guard.
Sa ilalim ng panukala ni Putin, nais nitong bigyan ng dagdag na seguridad ang mga regional governors lalo’t papalapit na muli ang eleksyon sa kanilang bansa.
Aabot sa 11 bagong mga gobernador ang hinirang ni Putin at inaasahang makatutulong ang naturang hakbang para masungkit ang ika-apat na termino bilang Pangulo.
Magugunitang itinatag ni Putin ang national guard noong isang taon na kasalukuyang pinamumunuan ng dating bodyguard nitong si Viktor Zolotov.
—-