Ikinababahala ng isang paring Heswita ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na ibalik ang bitay.
Ayon kay Reverend-father Silvino Borres, Pangulo ng Coalition Against Death Penalty, “biased laban sa mga mahirap” kung bubuhayin ang parusang kamatayan.
Masyado anyang mapanganib kung papayagan ang pagbabalik ng capital punishment sa gitna ng mga “imperfection” sa criminal justice system ng bansa.
Ipinaliwanag ni Borres na hindi naman nabigyan ng legal counsel ang mga hinatulan ng kamatayan habang sila ay nililitis.
Iginiit din ng pari na may ilang pag-aaral na nagsasabing hindi naman syento porsyentong epektibo ang capital punishment upang mabawasan ang krimen.
By: Drew Nacino