Planong limitahan ng pamahalaang lalawigan ng Quezon ang kapasidad o bilang ng mga indibidwal na maaaring makapasok sa mga mall.
Ayon kay Governor Danilo Suarez, ngayong nalalapit na ang kapaskuhan ay parami na ng parami ang mga indibidwal na nagpupunta sa mall upang makapamasyal kahit pa may panibagong virus na Omicron variant.
Sinabi ni Suarez na malaki ang posibilidad na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga pagtitipon lalo na kung hindi mag-iingat ang publiko ngayong kapaskuhan.
Dahil dito, gagawa ang lokal na pamahalaan ng panuntunan para pigilan ang pagdami ng tao sa mall sa partikular na oras at mahigpit na ipatutupad ang physical distancing. —sa panulat ni Angelica Doctolero