Target ng pamunuan ng MRT-3 na madoble ang bilis takbo ng tren at bilang ng pasaherong kayang serbisyuhan ng MRT-3 sa July 2021.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, mula sa kasalukuyang 300,000 pasahero, nais nilang madoble ito sa mahigit 600,000 sa sandaling maisama na sa sistema ang lahat ng Dalian trains.
Asahan na anya na aabot sa 20 trains ang tatakbo sa MRT-3 sa bilis na 60-kilometro bawat oras o doble sa kasalukuyang 30-kilometro bawat oras.
Sa ngayon anya ay isang Dalian train muna ang kaya nilang isama sa sistema dahil marami pang dapat ayusin sa MRT-3
Tatakbo ang Dalian train mula lamang 8:30 p.m. hanggang 10:30 p.m..
Kailangan mapalitan po natin ‘yung buong riles ng MRT-3 na sisimulan na po ‘yan ng November this year, so, mararamdaman natin ang full completion ng buong sistema ng MRT-3 by July 2021,” ani Capati. — sa panayam ng Ratsada Balita