Daragdagan ng Department of Health (DOH) ang kapasidad ng One Hospital Command (OHC) hotline.
Ito’y makaraang ulanin ito ng mga tawag sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Katunayan, ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, nakakatanggap ang OHC hotline ng 280 hanggang 300 na tawag kada araw na mas mataas sa naitala noong buwan ng Pebrero.
Matatandaang inilunsad ng DOH ang COVID-19 emergency hotlines na 02-894-COVID (02-894-26843) at 1555 sa pakikipagtulungan sa National Emergency Hotline ng DILG, PLDT at Smart Communications Inc.
Ayon sa DOH, sa pamamagitan ng hotline ay maaaring magtanong o mag-request ng assistance ang publiko kung pakiramdam nila posibleng infected sila ng coronavirus.