Paluluwagin ni Manila Mayor Isko Moreno ang limitasyon sa pagpapapasok sa mga simbahan sa lungsod.
Sinabi ni Moreno na mayroon nang executive order na magtataas sa 30% sa kapasidad sa mga simbahan mula sa kasalukuyang 10% lamang.
Layon nang pagtataas ng kapasidad na madagdagan ang bilang ng mga taong maaaring payagang makapasok sa mga simbahan o bahay sambahan.
Ayon kay Moreno, dapat lamang na matiyak na masusunod ng mga mananampalataya ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad nang pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing.