Itinaas na sa 700 ng kapasidad ng Quiapo Church na ikinatuwa ng mga debotong nagsisimba.
Halos walang nang makikitang nagsisimba na nakatayo sa Plaza Miranda dahil nasa loob ng simbahan ang lahat ng mga nakimisa.
Gayunpaman, may physical distancing pa rin na ipinatutupad sa mga upuan pero pinapayagan na ang mga nakatayo para mas marami ang makapagsimba sa loob.
Sa ilalim ng Alert Level 2, nasa 50% ang ‘indoor capacity’ ng mga establisimiyento at pawang mga bakunado lamang ang mga pinapapasok. Kung saan, kailangang magpakita ng ‘vaccine card’ bago papasukin sa simbahan.
Patuloy namang bukas ang mga led screens sa paligid ng simbahan sakaling mapuno ang kapasidad sa loob ng Quiapo Church. —sa panulat ni Kim Gomez