Lumantad na ang kapatid na babae ng namatay na middleman sa Percy Lapid slay case.
Nakausap umano ni alyas Marissa ang kapatid na si Jun Villamor bago ito bawian ng buhay habang nakapiit sa New Bilibid Prison, Muntinlupa.
Ibinulgar ni ‘Marissa’ na binanggit umano ni Jun ang mga pangalang Alldren, Labra at Malfie na sinasabing mga commander ng Sigue-Sigue Sputnik, Batang City Jail at Happy Go Lucky Gang.
Kinontak at kinausap anya ng mga Gang Commander ang kanyang kapatid at nabanggit din ng tatlo kay Jun na nagmula ang utos na patayin si ka-Percy sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Corrections.
Gayunman, hindi naman binanggit sa kanya ni Jun ang pangalan ng nasabing BuCor official.
Hawak na ng Department of Justice si Marissa at nakatakdang isailalim sa Witness Protection Program.