Patay matapos tambangan ang kapatid ng dalawang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Sariaya, Quezon Councilor Aristeo Ilao.
Kinilala ni Supt. Rafael Torres, hepe ng Sariaya Municipal Police ang biktimang si Wilfredo Gesmundo, 53 anyos, na pinagbabaril ng suspek na si Raymond Villota, alyas Emon habang lulan ng motorsiklo.
Naganap ang insidente sa Barangay Sampaloc Dos, dakong tanghali kahapon at matapos nito ay agad tumakas si Villota gamit lulan din ng motorsiklo.
Si Gesmundo ay kapatid nina Ramil at Reynaldo Gesmundo, principal suspect sa pagpatay kay Ilao, noong isang linggo.
Inaalam na ang motibo sa pamamaslang kay Gesmundo habang tinutugis na si Villota.