Kinumpirma ni Pnp Chief P/Gen. Camilo Cascolan na pumanaw na rin ang babaeng kapatid ng yumaong dating Misamis Occ. Provincial Board Member Ricardo “Ardot: Parojinog.
Sa kauna-unahan niyang press conference bilang PNP chief, sinabi ni Cascolan na sumakabilang buhay ang kapatid ni Ardot na si Melodia “Apyat” Parojinog – malingin kahapon sa Mayor Hilarion Ramiro Sr. Medical Center sa Ozamis City.
Nabatid ng PNP na nasawi si Apyat sanhi ng cardiogenic shock o kumplkasyon sa puso dahil hindi na kinakaya ang dugo na tinatanggap nito.
Si melodia na kapwa akusado ni ardot sa kasong paglabag sa republic act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 at Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions ay nakadetene din sa Ozamis City Police Station.
Kasama nitong nililitis at nakapiit ang asawang si Gaudencio malingin na nakuhanan ng 8 kilo ng shabu nuong Disyembre a-6 2017.
Samantala, inihayag din ni cascolan na hawak na ng pamilya ni Ardot ang labi nito na pinaniniwalaang isinailalim na rin sa cremation matapos masuri ng PNP forensic examiners. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)