Inihayag ng kapatid ng brodkaster na si Percy Lapid na kapani-paniwala para sa kaniya ang testimonya ng umaming gunman sa pagpatay sa kaniyang kuya.
Ayon kay Roy Mabasa, nakaharap na niya si Joel Escorial kagabi nang magkaroon sila ng walkthrough sa pinangyarihan ng krimen.
Bagaman hindi isandaang porsyentong kumbinsido sa istorya ng hitman, sinabi ni Mabasa na consistent naman ang mga sinasabi nito
Humingi naman ng paumanhin si Mabasa na naniniwala siya sa sinabi ng suspek lalo’t malaking bagay ito para sa kanilang pamilya.
Tiniyak naman ng kapatid ni Lapid na kumakapit pa rin sa katotohanan ang kanilang pamilya at kung ano ang ihaharap sa kanilang mga ebidensiya.