Arestado ang dalawang kapatid ng nasawing hinihinalang drug lord na si Melvin Odicta sa Iloilo City.
Ayon kay Police Regional Office Director Chief Superintendent John Bulalacao, inaresto ang magkapatid na sina Noel at Jerry Odicta dahil sa kasong illegal possession of firearms.
Nakuha kay Noel na kasalukuyan ding kapitan sa Barangay Tanza Esperanza ang isang hand grenade, kalibre 45 baril, dalawang magazines at mga bala.
Habang narekober naman kay Jerry ang isang 38 revolver at mga bala.
Kasamang naaresto ng magkapatid ang sinasabing helper ni Noel na si Vic Dela Peña, Abraham Orada, isang retired army at barangay kagawad na si Samuel Rubinas.
Samantala isang kasamahan ng grupo na si Andrew Altas ang napatay ng mga pulisya matapos manlaban.