Kapayapaan para sa Jerusalem at dayalogo sa pagitan ng Israel at Palestine ang panawagan ni Pope Francis sa kanyang tradisyunal na Christmas message o Urbi Et Orbi sa Saint Peter’s Square sa Vatican City.
Ayon sa Santo Papa, ang pagkakaroon ng negosasyon ang magbibigay daan para sa kapayapaan sa pagitan ng mga Israeli at Palestino.
Magugunitang nagdulot ng kaguluhan ang pagkilala ni US President Donald Trump sa Jerusalem bilang kabisera ng Israel gayong inaangkin din ito ng mga Palestino.
Nagbigay-daan din ang Christmas message upang talakayin ni Pope Francis ang iba pang international issues mula sa migration crisis hanggang sa mga sigalot sa Syria, Iraq, Venezuela at North Korea.
—-