Magiging pundasyon umano ng paglago ng pambansang ekonomiya ang pagsusumikap para sa kapayapaan sa Mindanao.
Ayon pa kay Budget Secretary Benjamin Diokno, mas makagagalawa ang ekonomiya kapag walang kaguluhan.
Pinapurihan din ni Diokno si Pangulong Rodrigo Duterte dahil isinama nito ang pakikipagtigil-putukan sa mga Muslim sa unang 100 araw ng panunungkulan bilang Presidente ng Pilipinas.
Naniniwala, aniya, siya na kapag naging payapa na ang Mindanao, makikinabang ang buong bansa.
By: Avee Devierte