Magiging maganda umano para sa Sabah ang mga pagsusumikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na payapain ang Mindanao.
Ayon ito kay strategic security research head ng Universiti Malaysia Sabah na si Doctor Zaini Othman.
Pinapurihan ni Othman ang layon ni Pangulong Duterte na parehong isali sa usapang pangkapayapaan sina Nur Misuari ng moro national liberation front at Al Haj Ebrahim Murad ng moro islamic liberation front.
Hindi, aniya, magiging banta sa Malaysia si Misuari habang isinasaalang-alang ng Administrasyong Duterte ang mga interes nito.
Matatadaang nagpahayag si Pangulong Duterte ng hangarin para sa MILF comprehensive peace deal at ng kahandaan na hayaan ang MNLF na pangasiwaan Sulu.
By: Avee Devierte