Muling nanawagan sa mga miyembro ng New People’s Army o NPA si Pangulong Rodrigo Duterte na magbaba ng armas at magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa Camp Crame, Quezon City, tiniyak din ni Pangulong Duterte na bibigyan ng libreng pabahay ang mga susukong rebelde, bukod pa sa financial at food assistance.
Ayon sa Pangulo, ang mga rebeldeng magbabalik sa malayang lipunan ay isasalang din sa training sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.