Isiniwalat ng mga eksperto na makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan.
Ayon sa mga pag-aaral, may sangkap na antioxidants at caffeine ang kape.
Bukod dito, may tulong din ito sa pag-memorya ng ating inaaral pero panandalian lang ang epekto nito.
Sinasabing puwedeng uminom ng isa o dalawang tasang kape sa maghapon.
Ngunit ibinabala rin ng mga eksperto na hindi dapat sobrahan ang pag-inom ng kape dahil lahat naman ng sobra ay masama.