Nag-sorry kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapitan ng bangkang pangisda na binangga ng Chinese vessel sa Recto Bank.
Sa harap ito ng nag-viral na isyu hinggil sa pagtanggi nya sa imbitasyon ng Malacañang na magkita sila ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Kapitan Junel Insigne, nagkamali sila ng interpretasyon sa imbitasyon na galing pala kay Agriculture secretary Manny Piñol at hindi sya sa Malacañang pinapupunta kundi sa tanggapan nito sa Department of Agriculture.
Inulit naman ni Insigne ang panawagan nito sa pangulo na papanagutin ang kapitan ng Chinese vessel na bumangga sa kanila.
Si Insigne ay humarap sa isang press conference kasama si Agriculture secretary Manny Piñol na syang nagbukas sa nasabing usapin.
Humihingi po ako ng paumanhin sa ating mahal na Presidente (Duterte) na hindi po pala ako pinatawag kundi po si Secretary Piñol ang nagpatawag sa ‘kin. Hindi po ako nakatuloy, umatras po ako dahil masama po ‘yung pakiramdam ko. ‘Yun nga po, humihiling po ako sa ating mahal na Presidente na sana po ma-ano po ‘yung demanda po sa amin na, gusto kop o mapanagot po ‘yung kapitan po. ‘Yung lang po ang hinihiling ko sa ating mahal na Presidente,” ani Insigne.