Arestado ang isang barangay chairman matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kanyang tahanan, dalawang araw matapos ang barangay elections.
Ang inaresto ng PDEA Region 12 ay si Chairman Melvin Fortajada, isang re-elected chairman ng barangay Malasila, Makilala, North Cotabato.
Hinalughog ng PDEA ang tahanan ni Fortajada sa bisa ng isang search warrant at nakuha doon ang limang sachets ng shabu, mga drug paraphernalia at tatlong bala ng kalibre .45 baril.
Ayon sa PDEA, isinailalim sa surveillance si Fortajada bago sila kumuha ng search warrant kaya’t walang basehan ang akusasyon ng kapitan na planted ang mga iprinesenta nilang ebidensya.
—-