Humarap kay NCRPO Chief Camilo Cascolan ang isang kapitan ng barangay sa Metro Manila na nasa narco list ng PDEA.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Cascolan na kinunan na nila ng impormasyon ang naturang opisyal at inendorso na sa PDEA.
Lumutang anya ang hindi pinangalanang brgy captain dahil sa takot na mapasama sa ‘hit list’.
Pero paglilinaw ni Cascolan, walang ‘hit list’ ang PNP at hindi sila nagkakasa ng operasyon kung walang matibay na ebidensiya.
“May mga barangay kapitan po na nagpunta sa atin at nakipag ugnayan dahil natatakot siya na baka maging impliska raw sabi niya pero sabi ko nga, it is allegedly in the drug business.”
Batay sa narco list ng PDEA, may siyam na barangay official sa Metro Manila ang sinasabing sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Cascolan, nagpahiwatig na rin ang iba pang nasa narco list na lulutang rin sa kanyang tanggapan.
Mangangalap anya ng ebidensya ang PNP sa mga naturang brgy official.
Kung mag positibo, sisilbihan ito ng search o arrest warrant o isasailalim sa buy-bust operation at sasampahan ng kaso.
Pero kung mag negatibo, sila raw mismo ang magrerekomenda sa PDEA na linisin ang pangalan ng brgy official.
“Sa lahat ng barangay officials na nakalagay sa narco-list, mas maganda po talaga na makipag-ugnayan po kayo agad sa amin para marekomenda po namin kayo sa PDEA at the same time, para ma-klaro po ang lahat at magkakaroon po tayo ng tinatawag na face build up at if ever po na hindi tama, kami rin po ang mag e endorse sa PDEA.”
(Todong Nationwide Talakayan Interview)