Pinarangalan ng pamahalaang lokal na Batangas City ang kapitan ng barko na hinarass ng mga barko ng China sa Panatag Shoal.
Sa certificate of commendation na ibinigay ng konseho kay Manolo Ebora, kinilala ang katapangan at lakas ng loob ni Ebora para panindigan at ipaglaban ang tama at makatarungan bilang kapitan ng barko.
Matatandaan na kinilala rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang paninindigan ni Ebora subalit sa panig ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi ito concern ng pamahalaan.
Si Ebora ay kapitan ng dayuhang crude oil tanker Green Aura na pinapaalis at ayaw padaanin ng Chinese warship sa Panatag Shoal.
Gayunman, nanindigan si Ebora sa China na mayroon silang karapatan sa free passage at hindi naman teritoryo ng China ang kanilang kinaroroonan kundi pag-aari ng Pilipinas.