Nananatiling masama ang loob ng kapitan ng Gem-Vir 1 sa mga Tsino na bumangga sa kanilang bangka sa Recto Bank noong Hunyo.
Ayon kay Jonel Insigne, dapat panagutin ang kapitan at mga tripulante ng nabanggit na Chinese vessel.
Hindi aniya tamang basta na lamang silang inabandona sa laot at hindi tinulungan ng Chinese vessel na bumangga sa kanilang bangka.
Samantala, tinanggap naman ng may-ari ng Gem-Vir 1 na si Felix Dela Torre ang paghingi ng tawad ng may-ari ng Chinese vessel na sangkot sa Recto Bank incident.
Gayunman, iginiit ni Dela Torre na mas maganda at taos puso kung personal ang paghingi ng mga ito ng tawad at hindi idinaan sa ibang tao.