Mahigpit na ipinatutupad sa kapitolyo ng Cebu ang no air – condition policy bilang bahagi ng pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang naging desisyon ng pamahalaang panlungsod ay batay sa impormasyon batay sa World Health Organization (WHO) na hindi mabubuhay ang virus sa temperaturang mas bababa pa sa 10 degrees celsius.
Wala naman anilang magiging problema kahit pa walang aircon sa kapitolyo dahil dinisenyo ito na mayroong malalaking bintana at matataas na kisame para sa maayos na bentilasyon.