Muling tiniyak ng KAPPT o Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon ang buong suporta sa all out war kontra illegal drugs ng gobyernong Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Rez Cortez, Pangulo ng KAPPT na handa silang tumulong sa mga artistang nasa drug list para makapagpa-drug test at hinihingi lamang nila ang tamang proseso para rito.
Bahagi ng pahayag ni KAPPT President Rez Cortez
Gayunman, binigyang diin ni Cortez na dapat namang isapubliko kung magiging negatibo sa drug test ang isang artista.
Bahagi ng pahayag ni KAPPT President Rez Cortez
Kasabay nito, inamin ng KAPPT o Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon na batid nilang may mga artistang nagdodroga.
Kaya nga noon pa man sa panahon ng yumaong Movie King Fernando Poe, Jr. ayon kay Rez Cortez, Pangulo ng KAPPT ay mahigpit na rin ang kampanya nila kontra illegal drugs sa entertainment industry.
Sa katunayan, sinabi sa DWIZ ni Cortez na maraming artista na rin silang natulungang tumalikod sa paggamit ng iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni KAPPT President Rez Cortez
By Judith Larino | Ratsada Balita