Nagbabantay na ang mga pulis sa buong bansa kaugnay sa posibilidad na magtangkang lumabas sa Pilipinas si Atty. Rafael Dumlao na itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick joo.
Sinabi sa DWIZ ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde bagamat wala pang direktiba, may warrant naman aniya na basehan para bantayan at arestuhin sakaling makita ito.
Sinabi ni Albayalde na sa ngayon ay hindi nila alam kung saan nagpunta si Atty. Dumlao matapos itong lumabas ng Kampo Crame noong Biyernes ng gabi.
Wala ring makapagsabi sa mga opisyal ng PNP kung nasaan ngayon ang opisyal na isinasangkot sa Jee kidnap –slay case.
By: Aileen Taliping