Makakasama ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa selda ang isa sa kapwa-akusado ni KOJC Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito, ayon kay Bureau of Jail Management and Penology Spokesman Jayrex Bustinera ay sakaling mailipat ang dating alkalde sa Pasig City Jail mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame.
Kaugnay nito, muli ring tiniyak ng BJMP na maliban sa paghihigpit ng seguridad, ay matatanggap ng alkalde ang kaparehong pag-trato sa mga ordinaryong preso. - sa panulat ni Jeraline Doinog