Umarangkada na ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng malagim na plane crash na ikinasawi ng 97 katao sa Karachi, Pakistan.
Sinasabing sinuyod ng air crash investigation teams ang pinangyarihan ng trahedya upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak nito.
Gayunman, hindi pa rin umano mahagilap ng mga eksperto ang cockpit voice recorder ng eroplano.
Magugunitang bigla na lamang bumagsak ang pampasaherong eroplano habang papalapag sa main international airport sa lungsod kung saan dalawa lamangg sa 99 na pasahero nito ang nakaligtas.