Ligtas na mula sa red tide toxins ang karagatan ng Bataan.
Ayon sa Bureu of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, nagnegatibo na sa red tide ang mga karagatan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.
Dahil dito, inihayag ni BFAR Director Eduardo Gongona na maaari nang hanguin at ibenta ang anumang uri ng lamang dagat sa naturang karagatan.
Samantala, nananatili namang kontaminado ng red tide ang mga Irong-Irong Bay sa Western Samar, coastal waters ng Leyte kasama ang Carigara Bay sa Leyte, Lianga Bay sa Surigao, Honda Bay sa Puerto Princesa City at karagatan ng Milagros sa Masbate.
—-