Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may 1.1-milyong doses pa ng Pfizer-Biontech vaccine kontra COVID-19 ang inaasahang darating ng bansa bago magtapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon kay Galvez, ang mga higit isang milyong doses ng naturang bakuna ay bukod pa sa Pfizer-Biontech vaccines na dumating kagabi.
Dagdag pa ni Galvez, na maliban dito ay inaasahan din ang pagdating ng kalahating milyong doses ng Sinovac vaccine.
Habang nagpapatuloy naman ang negosasyon ng pamahalaan para sa dalawang milyong doses ng bakuna mula russia na Sputnik V.
Kasunod nito, iniulat ni Galvez ang bilang ng mga bakunang posibleng dumating sa bansa sa buwan ng Hunyo:
Sinovac vaccine – 1.1 milyong doses;
Moderna vaccine – 250,000 doses para sa pribadong sektor;
Astrazeneca vaccine – 1.3 milyong doses para sa pribadong sektor at iba pang mga bakuna.
Oras namang masunod ang schedule ng delivery ng mga bakuna ay maaaring pumalo sa kabuuang 20,514,000 ang bilang ng mga bakunang natanggap ng bansa sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.