Karagdagang 1,196 Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon kaya’t lumobo na sa halos apat na milyon o 3,986,000 ang total case load.
Nasa 25,000 naman ang aktibong kaso habang umabot na sa halos 3.9 million ang recoveries.
Inihayag din ng DOH na mayroong 34 additional deaths dahilan upang bahagyang tumaas sa 63,581 ang fatalities.
Sa mga bagong naitalang infections, 401 ay mula sa Metro Manila.
Samantala, kinumpirma kahapon ng kagawaran na nakapasok na sa bansa ang 81 unang kaso ng Omicron XBB subvariant at 193 XBC variant.