Karagdagang 10,000 vote counting machines ang target i-procure ng COMELEC para sa may 2022 national at local elections upang mapababa ang bilang ng mga botanteng gagamit ng bawat unit at makapagtalaga ng dagdag clustered precincts.
Magsasagawa ang COMELEC ng public bidding para sa lease ng optical mark reader at optical scan system o vote counting machines.
Aprubado na rin ng special bids and awards committee ang P600.5 milyon para sa kontrata ng mga VCM.
Kabilang sa procurement ang 10,000 piraso ng main SD cards at 10,000 piraso ng wormable sd cards.
Alinsunod sa procurement terms, dapat isagawa ang delivery ng mga VCM sa tatlong bahagi sa Nobyembre 15 at Disyembre 30, 2021 at Enero 30, 2022.—sa panulat ni Drew Nacino