Umabot sa mahigit 16,000 teaching at non-teaching personnels ang na-hire ng Department of Education ngayong taon.
Batay sa year-end report ng DepEd, nasa 11,500 guro ang na-hire habang nasa 5,000 administrative officer ang nilikha upang gumawa ng administrative loads ng mga guro.
Magugunitang inamin ni DepEd Spokesperson, Atty. Michael Poa na kabilang ang kakulangan sa mga guro sa mga hamong kinakaharap nila ngayong academic year.
Plano rin anya nilang mag-hire pa ng mahigit sa 10,000 guro para naman sa school year 2023-2024.