Naghain na rin ng kani-kanilang Certificates Of Candidacy ang 12 pang presidential at tatlo pang Vice-Presidential aspirants sa harbor garden tent ng Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City.
Nanguna sa ika-4 na araw ng filing si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng aksyon demokratiko; Independent bets na sina Sonny Boy Andrade, Juanita Trocenio, Alfredo Respuesto;
Gabriela Larot, Maria Mercedes Pesigan, Delia Aniñon, Renato Valera, Melchor “Kidlat” Puno, Winston Kayanan; Faisal Mangondato ng Katipunan at Leo Cadion ng Philippine Green Republican Party o PGRP.
Pasok naman sa listahan ng mga naghahangad na maging Bise Presidente sina Dr. Willie Ong, na runningmate ni Domagso; Carlos Serapio ng Katipunan at Princess Sunshine Amirah magdangal ng PGRP.
Batay sa tala ng COMELEC, aabot na sa 20 ang nagfile ng kandidatura sa pagka-Presidente, pito sa pagka-Bise Presidente habang 39 sa pagka-Senador.
Umabot naman sa 48 party-list groups ang naghain din ng COC.—sa panulat ni Drew Nacino