Bahagyang tumaas ang naitalang karagdagang COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot sa 168 ang additional COVID-19 cases habang nasa 4,694 ang aktibong kaso, hanggang kahapon.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang 3,686,543 ang COVID-19 cases sa bansa, kabilang ang 3,621,410 recoveries at 60,439 deaths.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinaka-mataas na additional cases na 967 sa nakalipas na dalawang linggo; Region 4-A, 329 at Region 3, 201 cases.