Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 182 na karagdagang kaso ng Delta variant ng Coronavirus.
Dahil dito, ayon sa DOH, sumampa na sa 807 ang kabuuang bilang ng nasabing kaso sa bansa.
Maliban sa Delta variant, nagkaroon din ng mga bagong kaso ng 41 Alpha variant, 66 Beta, 40 Theta, habang nakapagtala rin ng kauna-unahang kaso ng Lambda variant.
Ang tinamaan ng Lambda variant ay isang 35 taong gulang na babae na asymptomatic at kasalukuyang sumasailalim sa sampung araw na isolation period.