Naitala ng Department of Health (DOH) Central Visayas 7 ang karagdagang 19 Delta variants ng COVID-19.
Ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit Central Visayas, anim na kaso ng mas nakakahawang variant ang natukoy sa Cebu City, anim sa Lapu-Lapu City, tatlo sa Samboan Town, South Cebu at tig-iisang kaso sa San Fernando, Boljoon, Argao at Talisay City.
Dahil dito, hindi inaalis ng DOH 7 ang posibilidad na mayroon ng community transmission ng Delta variant.
Sa ngayon, mayroong 59 kaso ng Delta variant na naitala sa Central Visayas. —sa panulat ni Hya Ludivico