Umakyat pa sa 2,323 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kumpara sa 2,257 noong Miyerkules.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 199 COVID cases kahapon.
Dahil dito, sumampa na sa 3,689,656 ang kabuuang kaso kabilang ang 3,626,878 ang recoveries.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-mataas na COVID-19 cases sa 995 sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinundan naman ito ng Region 4-A na mayroong 349 at Region 3, na may 274.