Nakapagtala ng karagdagang 21 Pilipinong dinapuan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa labas ng bansa ngayong araw, Marso 23.
Bunsod nito, umakyat na sa kabuuang bilang na 16,006 ang lahat ng Pilipino na tinamaan ng naturang virus abroad.
Habang 9,702 naman ang nakarekober na at 5,257 ang patuloy pang nagpapagaling.
Samantala, umabot na sa 1,047 ang lahat ng nasawing Pinoy abroad dulot ng COVID-19.— sa panulat ni Agustina Nolasco
23 March 2021
Today, the DFA reports 21 new COVID-19 cases, 2 new recoveries, and no new fatality among overseas…
Posted by Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines on Monday, 22 March 2021