Nakapagtala ng karagdagang 27 delta variant cases ang Cagayan Valley Region mula sa nakolektang mga samples noong Setyembre 1, at dumaan sa whole genome sequencing noong Oktubre 8.
Batay sa biosurveillance report, apat na kaso ng delta variant ang naitala sa sa lalawigan ng Cagayan, 15 sa Isabela at walo sa Quirino.
Ayon sa Department Of Health Regional Office 2, ang mga kasong naitala ay pawang mga local cases na ngayon ay nakarekober na maliban sa naitalang kaso sa San Isidro at isa sa Santiago City na nasawi.
Nagpapatuloy naman ang case investigation at contact tracing activities ng special action team ng regional epidemiology and surveillance unit sa tulong na rin ng rural health units at LGU’s.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico