Dumating sa bansa kagabi ang karagdagang 3 milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Ang 2 milyong doses ay binili ng pamahalaan habang ang isang milyong doses naman ay donasyon ng Chinese government sa Pilipinas.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Jr., gagamitin ang naturang mga bakuna sa pagtuturok ng booster shots sa health frontliners.
Batay sa datos mula sa National Task Force against COVID-19, umabot na sa mahigit 97,678,340 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang natanggap ng Pilipinas.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico