Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) na nasa 30% ang karagdagang bilang ng mga turista na dadating sa bansa ngayong araw.
Ayon kay Port Operations Chief Carlos Capulong, inaasahan nila ang halos 7K turista kung saan karamihan aniya riito ay mga Pilipino habang 27% ay mga dayuhan.
Samantala, nagpaalala si BI Commissioner Jaime Morente sa kaniyang mga tauhan na maging mapagbantay at mapanuri sa mga dayuhang papapasukin sa bansa. - sa panulat ni Airiam Sancho