Nasa 347 distressed Filipinos sa Saudi Arabia ang napauwi sa bansa.
Ang mga repatriates, kabilang ang limang bata, ay dumating sa bansa sakay ng isang Philippine Airlines chartered flight bilang bahagi ng repatriation mission ng pamahalaan sa Saudi.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje na magtungo sa Gitnang Silangan para pangunahan ang repatriation efforts ng gobyerno.
Layon din ng pagbisita ni Borje sa Saudi na mas paigtingin pa ang bilateral ties at labor reform cooperation ng dalawang bansa.
Inaasahan namang darating sa bansa ngayong Linggo ang ikalawang repatriation flight mula pa rin sa nasabing bansa.